Pag-asa...
Marahil nga'y kay sarap maidlip at 'di na magising..
Lalo't sanlaksa ang hirap at sakit sa dibdib..
Marahil nga'y kay sarap panawan ng bait kahit na sandali...
Namamanhid ang puso sa hapdi at kirot dulot ng sari-saring isipin...
Ang luha ay di na mapatid...
At ang bukas ay tila isa na namang nakahahapo at mabigat na pasanin...
Ngunit may sumpang binitiwan na 'di ko kailan man ninasang talikuran..
Batid ko ang mabata, ang magtiis ay di naiiwasan,
Upang ang pangako mo'y aking makamtan....
Kaya't sa tuwing tila'y umaandap na ang pag-asa...
Sa malawak mong langit yaring ulo'y itinitingala...
Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama...
Habang sa tuwina'y nanganganlong at may pag titiwala sa iyo....
Marahil nga'y ang lahat ng ito'y aking babaunin
Nang marating ang langit mong tahanan na paraisong pinapangarap...
Pagka't nais kang masilayan...
Makapiling ka sa ligayang wagas at ang hapis ay isa na lang nakalipas...
Ngunit may sumpang binitiwan na 'di ko kailan man ninasang talikuran..
Batid ko ang mabata, ang magtiis ay di naiiwasan
Upang ang pangako mo'y aking makamtan....
Kaya't sa tuwing tila'y umaandap na ang pag-asa... Sa malawak mong langit yaring ulo'y itinitingala... Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama... Habang sa tuwina'y nanganganlong at may pag titiwala sa iyo.... Bawat pagluha ay aariing yaman. Bawat pait't saklap ay aariing tamis. Bawat alimura ay aariing puri Bawat dusa'y yayakapin at ipagpapasalamat... 'Pagkat sa tuwing tila'y umaandap na ang pag-asa... Sa malawak mong langit yaring ulo'y itinitingala... Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama... Habang sa tuwina'y nanganganlong at may pag titiwala sa iyo.... Ikaw ang tanging nalalabing... PAG-ASA....

